tried to be independent to prove something, ended up na baon sa utang

as mentioned sa titled, i tried becoming an independent person by moving out sa bahay namin (wala rin kasi akong choice sa sobrang toxic na ng household namin,, i didnt wanna risk my work being affected kaya i moved out but still, nagpprovide pa din ako sa parents ko)

almost end na ng october when i decided to move out, dun din nagstart yung pagiging desperate ko na mangutang kasi wala rin akong choice kasi my parents needed my help and hindi naman ako makahindi sa kanila kasi kakaunti lang naman yung pinapadala ng mother ko and that day din, nagdecide na siyang umuwi from abroad. since wala silang other ways to get by (nagtry silang magsideline pero wala talaga), i had no choice din na mangutang para sa kanila in a way na ako naman nagigipit kaya napapautang na din since i have bills and rent to pay.

ayun so currently, i have no job kaya namomroblema din talaga ako kung paano ko issettle yung mga utang ko the next months kasi natatakot din ako sa penalty fees (which also caused me na mangutang uli para bayaran ibang utang). di rin naman ako makauwi sa bahay namin since mga nagka impression na din ako sa mga relatives namin at sa parents ko kasi nga i wanted to prove them na i can stand up on my own (nagka away away kasi kami kasi ayaw ko nang masakal, masyado kasi akong hawak sa leeg ng magulang ko at relatives ko in a way na i felt being held back sa mga bagay bagay)

Total Loan Breakdown: 89,114

Shopee Cash Loan - 26,845.1 Shopee SPayLater - 6,383.97 Security Bank eSALAD - 7370.95 PayMaya Credit - 5,402.58 GCash GLoan - 18,121.4 BillEase - 24,990

i just wanna be debt free na for the next year as well as stay pa din dito sa nirerent out ko kasi this thing is really eating my head out more than nung time na nagsstay ako sa dati naming bahay,, there are even times na i couldnt breathe na nang maayos kakaisip about don and i didnt wanna go back,, i can risk my expenses naman since i rarely buy stuff for myself na (i became cheap sa sarili mula nung nag move out ako) and i dont eat that much as i can survive naman 1 meal a day and yung bill ko din for rent and ilaw at tubig, umaabot ng 5k (4k sa rent, ilaw at tubig - 1k)

i just badly need help at this point