An INC classmate kept proselytizing my Catholic Classmate during the periodical exams

Jusko po, nagdala lang ng Rosary classmate ko tapos kanina pa kinukulit ng classmate kong INC yun kaklase ko na to the point na nagiging insufferable na siya

Like rinig na rinig ko sa likod ko yun bulong niya against sa pag hawak niya ng Rosary sa periodical exam

"walang magagawa yang paganong gamit na yan"

"di ka maliligtas ng kwintas na yan"

"walang mangyayari sa score mo kahit hawak mo yan"

Just some notable things I heard him saying, like jusko, bruh, manahimik ka nga! Just shut up! Kami'y nagsasagot dito lintek ka!, ayaw mo bang makapasok ng second sem?!?!?!? And my classmate who was holding the Rosary, kalmado lang ang kept his cool and I'm surprised di siya nagsumbong sa adviser namin

But on the positive side, nataasan nya yun tanga na yun hahahaha but I'm worried itutuloy lang niya nanaman bukas, walang hiya talaga, seriously, like, wala ba sa morals ng INC ang religious freedom?

I'm not trying to promote Catholicism here but I'm just trying to note the crap my INC classmate is doing to my classmate/friend who is Catholic, like grabe naman, the amount of disrespect being done to my classmate is just concerning, mag focus ka kaya sa exam mo lintek ka

Susumbong ko talaga siya pag inulit nanaman niya bukas ang gagawin niya, like Grade 12 na siya, nasa HUMSS ka pa, katakot-takot ang ganyang ugali, parang di ka G12, promote your beliefs somewhere else, wag dito kung kailan exam jusko, like naririnig mo ba kami nag pro-promote ng Catholicism kung kailan exam? diba hindi, grabe talaga, parang walang boundaries

Just leave him alone for God's sake

And to maybe piss him off, di lang Rosary dadalhin ko bukas, pati crucifix na at kandila sa second day ng exam hahahahaha

Edit Update: nasumbong ko na siya sa adviser namin cuz inulit nanaman niya, di lang sa kanya, pati na rin saakin, guidance siya tuloy hahahaha, don't worry bro, malamig ang aircon sa guidance office hahahahah

And sadly, nope, di ako nakapagdala ng crucifix, di ako pinayagan ng lola ko hahaha but I did bring my Rosary and Sto Niño and yes, it did piss him off hence the annoyance he also brought to me as well