Hindi lahat ng kabit malandi. Biktima lang din yung iba. Gusto ko lang mag rant.

Problem/Goal: I'm also a victim Context: (PLS DO NOT REPOST) Pangalawang beses ko na 'to na experience, na ginawa ako kabit.

First, naging friends tapos naging ka talking stage na (more than 5months) eventually naging kalandian ko (after a yr knowing him for so long, pero on and off kami) tapos nalaman ko lang na naging side chick ako kasi nagtext siya sakin tapos nakita daw ng jowa niya convo namin. Eh nung time na yon sinisingil ko lang naman siya sa utang niya sakin na pera. (Opo pinautang ko siya, bait ko kasi). Binlock ko na siya sa lahat ng socials ko at di ko na po singil. Tangina niya. Panglamay niya nalang yon. (Yoko na idetalye pero yan ang short story)

After 3 years? Or 4 na ata, which is ngayon. Sa ibang tao ko naman na experience ulit. I meet this guy nung November or December 2024 and ask me out in a date. Pumayag ako since gusto ko mag try mag date uli at sa stranger hindi yung from friends.

We hit it off instantly. Di pa nga ko makapaniwala kasi di naman ako kagandahang babae at di rin ako masyado magaling makipag socialize. All I know I'm a good listener. For this guy, mabilis ako naging comfortable sakanya. At first dami ko talaga doubts at nakikiramdam ako kung interested ba talaga sakin or need lang ng kausap. But after namin umalis which is nag coffee date, mas naging madalas na siya makipag usap sakin sa chat hanggang mas nakilala namin isa't isa (well yun ang akala ko). - (sa chat lang dahil busy siya sa business niya at busy ako sa internship + review+ side hustle kaya I really don't have much time for date)

Next na pagkikita, masnaging clingy siya sakin, ako naman si tanga, nag assume!!! Akala ko talaga may interest siya. Kaya iniisip ko how to ask him indirectly if there's really something between us or delulu ko lang 🙃

Days passed by after namin magkita, siningit ko in-between our chats how his previous relationship ended. Dun ko nalaman na kabit pala 'ko. May 9 years siya karelasyon na on and off at kaya niya lang daw ako inaya dahil, nabaitan siya sakin at gusto niya lang daw lumabas. 🙂 After ko malaman, kinonsensiya ko siya na sabihin niya gf niya yung ginawa niya. And I told him never talk to me again.

Tangina biktima din ako, di lang yung karelasyon niyo yung niloloko niyo. Pati yung ginagamit niyo ibang tao, na genuine yung pakikitungo sa inyo, tapos ganito isusukli niyo? Masakit? OO. I AM DISAPPOINTED. It feels like shit. Naaawa ako sa gf niya. Naaawa ako sa sarili ko na pumatol ako sa katulad niya. If only I knew I will never do something I don't want happen to me. Tangina niyo lahat na mga cheater. Sana mahuli kayo, kung ayaw niyo umamin. Di ko alam pano kayo nakakatulog sa gabi. Kingina di ko kayo, kaya sikmurain.

P.S clean po lahat ng socials niya fb and ig. Wala ko nakita talaga consistent na babae sa socials, or even nakatag.

I WILL NOT DATE AGAIN UNTIL MY GRADUATION. FINAL NA YAN. LAST NA YAN.

Previous Attempt: