Ang sama at ungrateful ko bang anak?
Problem/goal: Masama ba akong anak kung sasabihin ko na hindi ko na gusto ituloy yung program na 'to?
Context: I'm 22/F 4th year Medtech student. For internship na ako at naghihintay na lang madeploy sa ospital na naassign ako. So habang naghihintay kailangan ko magreview for MTAP and hindi ako makareview ng maayos. Iniisip ko pa lang yung pagdadaanan ko na naman nabuburnout na ulit agad ako.
Previous attempt: 1st year pa lang nagsabi na ako sa parents ko na gusto ko na mag shift pero hindi nila ako pinayagan. Naging vocal ako noon na hindi para pala sa akin yung program na 'to. Sinubukan ko ulit bago mag 3rd year nagsabi ulit ako pero hindi pa rin nila ako pinayagan sabi nila ituloy ko na raw kasi sayang sa panahon and now I'm exhausted. Ayoko na. Tuwing pipikit ako sa gabi bago matulog hinahunt ako ng mali kong desisyon. Hindi ko binigyan ng sakit sa ulo parents ko when it comes to my studies, never ako nagpatulong sa assignment, projects, reporting or yung magkukwento ako about sa mga struggles ko. Never ako napasama sa gulo o napaguidance. Never. Lahat sinarili ko. Lahat tiniis ko. Lahat inaral ko sa sarili ko. Kaya mas natatakot ako ngayon na baka maging tingin nila sa akin at disappointment ako.
Matalino ako eh, masipag ako mag aral, achiever ako pero nitong nag college ako awang awa ako sa sarili ko. Habang mga batchmates ko kabilaan ang dean's & president lister, recognitions na natatanggap nila ako I feel stuck. Pakiramdam ko nawala ako sa sarili ko. Hindi ko na alam purpose ko. Ilang beses na rin ako nag isip na iharm sarili ko para lang magkaron ako ng rason para pumayag na silang itigil ko 'to.
Sobrang passionate ko sa public speaking, narealize ko rin na tuwing may reportings yung bang pag nagtuturo ako sa harap ng klase sobrang masaya ako. Palagi rin sa akin sinasabi ng mga friends ko na nakikita raw nila ako as educator. Bagay daw talaga sa akin. Na noong high school daw kami sa tuwing may reporting kami talagang nakikinig sila sa akin kasi ang galing ko raw magreport o mag turo. Mukhang alam na alam ko raw yung mga sinasabi ko. Sa tuwing naalala ko yung mga sinabi nila na yan sa akin, mas lalo akong nagsisisi.
Ako naman talaga pumili ng program na 'to pero katagalan nung nagkaknowledge na ako sa kung ano ba itong pinasok ko hindi ko talaga nakikita sarili ko dito. Pinangarap ko maging doctor pero later on narealize ko rin na hindi para sa akin yung pangarap na yon. Tinake ko lang naman talaga yung program na 'to dahil magandaw nga raw itong "pre-med" so wala talaga akong passion dito. Ang hirap din kasi nung mga time na nagkapandemic tapos next thing I know kailangan ko na pumili ng program at school for college. Tsaka akala kasi ng marami noon na dapat medical field talaga ang pre med mo, eh hindi naman pala ganon.
Ang sama ko bang anak kung ihihinto ko 'to despite sa daming sinakripisyo sa akin ng parents ko para maraos namin yung halos 4 na taon sa program na 'to? Palagi pa nilang sinasabi na ako na lang ang pag-asa nila. Kahit 2 lang naman kaming magkapatid. Dahil don mas lalo akong napepressure. Just the thought of it gusto ko maiyak kasi, mukhang wala akong choice eh. Mahal na mahal ko parents ko. Gusto ko mag give back sa kanila. Gusto ko makatapos kasi pangarap nila yon para sa akin at para rin sa sarili ko.
Ang sama ko bang anak kung pipiliin ko yung saan ako mas magiging okay?
Ang sama ko bang anak kung pipiliin ko mag umpisa ulit?
Is it too late? Unfair ba sa parents ko? Disappointment ba ako?
Ang sama ko bang anak? Makasarili ba ako?