Kelangan ko ba talaga ng yaya?
Hello! Kindly give me advice naman po. I’m 30F, licensed architect. Home-based po ang work ko. I have foreign clients and I can earn around 50-150k a month. I have a live-in partner but I own my house. I was thinking of hiring a kasambahay na stay out just to clean and cook for me. We have no kids po. Just me, my partner and our dogs. Si partner minimum wage earner, so technically since bahay ko din naman po ito lahat gastos ko. No problem naman sakin. Pero pag din kasi nagkakasabay sabay dn yung needs ng clients ko, i really have no time to chill and rest to the point na talagang tatrangkasuhin na lang ako saka ko magpapahinga. May cleaner lang ako na binabayaran para maglinis every now and then pero yung luto ako po gumagawa. My house is around 200sqm excluding the yard so di ko kaya linisin on top of my own work load. Di ako sanay magluto ng portion just for 1-2 servings lang. Dahil nga nakakapagod magluto i prefer na lutuin good for 2-3 days. Since nakakasawa naman ganon ending kumakain pa din kami lagi sa labas. Medyo magastos. Pero di ko din naman kayang magluto ng iba sa umaga iba sa tanghali tapos iba pa sa gabi. I simply don’t have the energy and time. Si partner medyo against kasi gets ko naman na nanghihinayang sya sa ibabayad ko sa yaya. Given na minimum nga dn sahod nya malaking bagay sa kanya yun. Ako naman po yung magbabayad. Kaso ganto po kasi usual sched ko. 8hrs (daily + OT only if needed) - work for main client (permanent) Around 10-15hrs a week - for suki client (not permanent) Aside from these two tnuturn down ko na lang other clients kasi di na keri. I want a daily proper rest. Question: based on this, need ko ba talaga ng yaya to achieve yung proper daily rest na gusto ko? Or baka nasanay lang ako na lumaki ako ng may yaya kaya parang nahihirapan ako. Mas sanay po ako sa lutong bahay. Mas prefer ko yun kesa laging sa labas kumakain. Mas makakatipid ba ko? Or ganun dn dahil sa pambayad lang sa yaya din mappunta? Please be kind with your comments. Thank you!