sukli na barya
Parcel deliveries, Joyride & Move-it, Foodpanda and pay-after-meal na kainan. Sa tuwing nagbabayad ako kinukuha ko pa rin yung sukli kahit na barya. Kahit na ang sukli ay nasa dos lamang, kinukuha ko pa rin. Ganto na nakagawian ko eversince.
Fast forward, after kumain sa samgyup, we paid our bills and may sukli us na tig-pipiso. And yes, unconciously, kinuha ko yung piso. My friends jokingly said na piso na lang daw eh kinuha ko pa (not really the exact words). Tumawa lang ako at binalik ko yung piso. Then there was a time na 11 pesos sukli ng isa kong friend sa move-it pero 'di na niya kinuha. Pero 'di naman ako na-bother or what at biniro ko lang siya about it. Then napansin ko na yung gf ko is ganito din, may spare change din siya sa mga beggars (nagbibigay siya lagi ng barya sa mga nagbubukas ng pinto ng 7/11). Pati na rin sa lahat rides, deliveries, and so on. Then talked about it as a topic at ni-ask niya ko if 'di ko daw ba ginagawa 'yon. Sabi ko is minsan kapag piso.
Bigla ko lang naisip 'tong kwento ko. Iniisip kung bakit nga ba 'di ako nagtitip sa mga tao. Barya lang naman 'yon, kinuha ko pa. Na-guilty ako kasi ganoon ba ako ka-damot. Naisip ko na din kasi minsan na ang laki pa rin ng limang piso na binigay nila. Then na-realize ko yung difference sa financial status ko sa kanila. Galing sila sa upper middle class, while ako sa lower middle class. Minsan lang ako umorder kaya kinukuha ko sukli, minsan lang din ako kumain sa labas kaya 'di ako sanay mag-tip. Bawat barya mahalaga sakin kasi sakto lang ang allowance ko.
Wala naman siguro masama kung 'di ako makakapagbigay ng tip, nangangailangan din kasi ako. Kapag kaya ko na, saka ko na lang gagawin.